-- Advertisements --

Tuloy-tuloy ang paghahain ng diplomatic protests ng Pilipinas laban sa ibang mga bansa na umaako ng claims sa mga teritoryong pagmamay-ari ng Pilipinas, ayon kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr.

Sa budget deliberations sa Kamara, sinabi ni Locsin na 158 diplomatic protests na ang inihain ng Pilipinas laban sa China sa mga nakalipas na taon hanggang noong Agosto 16, 2021.

Sa naturang bilang, sinabi ni Locsin na 143 ang inihain sa ilalim ng kanyang termino, at 124 naman dito ang sinagot ng China.

Normal lamang aniyang iginigiit din ng ibang mga bansa ng kanilang claims sa mga pinagtatalunang teritoryo sa ilalim ng isang malayang mundo.

Subalit binigyan diin ng kalihim na hindi ito nangnagahulugan na isinusuko na rin ng Pilipinas ang karapatan nito, na pinagtibay pa ng desisyon ng international tribunal noong 2016 na nag-invalidate sa claims ng China.