PNP
PNP Butuan

BUTUAN CITY – Maliban sa patuluy na pina-igting na police checkpoints sa bawat Municipal Police Stations, City Police Stations at mobile forces, ang Police Regional Office o PRO-13, magdedeploy ng dagdag 1,500 police personnel sa mga sementeryo, simbahan, pantalan, bus terminals, malls, at iba pang lugar bilang pagbibigay seguridad sa panahon ng All Souls’ at All Saints’ Days.

Ang dagdag police personnel ay maglunsad ng mobile patrol, foot patrol, police presence at pag-manage sa itinatag na Police Assistance Desks sa mga sementeryo at Motorist Assistance Centers sa iba’t ibang pook sa rehiyon.

Kasama sa mai-deploy ang EOD at K9 Teams sa strategic na lugar kung saan may bumuhos ang taongbayan.

Ayon kay Police Brigadier General Joselito T Esquivel, Jr, PRO-13 Director, paiigtingin pa ang police operations sa bawat sandal upang maseguro ang kapayapaan sa publiko.