CEBU CITY – Sugatan ang 15 katao matapos madisgrasya ang sinakyan nitong pick-up truck sa national road ng Brgy. Talo-ot, bayan ng Argao, Cebu.

Ayon kay Patrolman Jes Peretso ng Argao Police Station, papunta raw sana ang 15 vendors sa bayan ng Sibonga para mag-display ng kanilang paninda.

Habang binabaybay nito ang national highway, nawalan umano ng preno ang sasakyan kaya ibinangga na lang ito ng driver sa gilid ng kalsada.

Agad namang dinala ang mga sugatan sa pinakamalapit na pagamutan.

Tatlo sa mga ito na kinilalang sina Lilia Pacques, 62; Angela Templa, 50; at Mariel Alqade, 28, pawang taga-Barangay Bayabas, Argao ay dinala sa lungsod ng Cebu makaraang magtamo ng malubhang sugat.

Sinagot lang umano ng driver ang gastos ng mga biktima sa hospital.