may 30

DAVAO CITY – Muling nagpalabas ng updated na listahan si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio patungkol sa mga barangay na dapat iwasan ng mga taga Davao.

Batay sa inilabas na warning advisory ni Mayor Sara, dapat na iwasan at huwag puntahan ng mga tao ang walong mga barangay na isinailalim sa classification bilang very high risk barangay dahil sa naitalang mataas na kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID 19).

ito ay kinabibilangan ng mga Barangays 22-C, 23-C, Agdao Proper, Bucana, Buhanign Proper, Cabantian, Leon Garcia at Talomo.

Samantala, pitong iba pa ang hindi rin dapat puntahan ng mga tao dahil ito kay kinilala bilang mga high risk barangays na kinabibilangan ng Brgy. 5-A, Brgy. 9-B, Catalunan Grande, Maa, Matina Crossing, Tigatto at Ubalde.

Batay sa lates report ng Department of Health (DoH)-Davao Center for Health Development, 52 na mga bagong covid cases ang naitala kahapon sa Region 11.

Aabot sa 30 ay galing sa Davao City, 12 sa Davao Oriental, siyam sa Davao del Sur at isa sa Davao del Norte.

Sa kabuuan umabot na sa 329 ang COVID 19 cases ng rehiyon, 138 ang recovries at 28 ang patay.