Adivay Festival
Adivay Festival/ FB image

BAGUIO CITY – Nananabik na ang lokal na pamahalaan at mga residente sa Benguet sa pagdiriwang sa ika-14 na Adivay Festival sa Nobyembre.

Ayon kay Governor Mechor Diclas, maraming bagong tampok ang matutunghayan sa okasyon.

Sinabi niya sa bagong bahagi ng aktibidad ang float at mascot competition ng bawat bayan ng Benguet.

Aniya, magiging tampok sa kompetisyon ang mga produktong ipinagmamalaki ng bawat bayan tulad na lamang ng pinya na isa sa pangunahing produkto ng Sablan, strawberry na ipinagmamalaki ng La Trinidad at iba pa.

Mag-uumpisa ang festival sa Nobyembre 3 at ang highlight nito sa Nobyembre 23 kung saan isasagawa ang caƱao at dito kakatayin ang 23 na baboy na pagsasaluhan ng mga opisyal at mga mamamayan.

Magiging bahagi din ng okasyon ang mass wedding, pageant at iba pa.

Tema ng Adivay Festival 2019 ang “Sustaining Healthier Benguet”.