TACLOBAN CITY — Natagpuang wala ng buhay ang isang minor de edad sa gilid ng highway ng Barangay Binugawan, San Policarpo Eastern Samar.

Kinumpirma ang pagkakilanlan ng 14 taong gulang na biktima ng kaniyang mga magulang.

Ayon kay P/Capt. Aldwin Ballete, ng San Policarpio MPS, na posible na binaril ang biktima matapos ay iniwan nalang sa gilid na parte ng kalsada.

Nagtamo naman ng tama sa labi na tumagos sa likod ng kaniyang ulo ang minor de edad na biktima.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga kapulisan sa motibo at suspek ng naturang krimen.