Patay ang 14 katao matapos ang pag-atake ng mga armadong suspek ang isang maternity hospital sa Kabul, Afghanistan.

Kabilang sa nasawi ay ang dalawang bagong silang na sanggol kasam ang mga ina nila at ilang mga nurses.

Naging hamon para sa mga security forces dahil inisa-isa nilang ilabas ang mga biktima na nasa loob ng pagamutan.

Nadagdagan pa ang kaguluhan sa nasabing araw dahil sa matapos ang ilang oras ay pinasabog ng suicide bomber ang kaniyang sarili sa silangang bahagi ng Nangarhar province.

Target nito ang isang libing na ikinasawi ng 24 na katao.