Aabot sa 14 katao ang inaresto sa magdamag na anti-drug operations ng PNP sa Quezon City.

Unang pinasok ng mga kapulisan ang bahay ng isang lady guard at naabutan pa rito ang limang kalalakihan na gumagamit ng droga.

Naaresto naman sa buy bust operation ang apat na driver sa Brgy. Culiat habang sa Brgy. E. Rodriguez ay naaresto ang dating drug surrenderee at ang kaniyang kasamahan.

Nakuha sa mga suspek ang aabot sa 20 mga sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu.