Nanumpa na bilang bagong Police Inspector ang nasa mahigit 130 sa 201 na mga bagong graduates na kadete ng Philippine National Academy (PNPA) SANSIKLAB class 2019.

Si Police Lt. Gen. Archie Gamboa ang deputy director for Operations ang nanguna sa panunumpa sa mga bagong opisyal ng PNP.

Habang si Department of Interior and Local Government o DILG Secretary Eduardo Año ang nagbasa ng confirmation of appointment na isang permanent position.

Sa 201 graduates, 138 dito ay magsisilbi sa PNP, 41 sa Bureau of Fire Protection (BFP)habang ang 22 ay sa BJMP o Bureau of Jail Management and Penology.

Sa kaniyang talumpati, nagpasalamat ang SANSIKLAB 2019 Class Valedictorian na si Police Lt. Jervin Allen Ramos sa Diyos, sa kaniyang mga magulang, guro at kamag-aral gayundin kay Pangulong Rodrigo Duterte sa ibinigay nitong inspirasyon sa kanila

Aminado si Ramos na malaking hamon sa kanila ang kaliwa’t kanang batikos at kritisismong ibinabato sa kanilang hanay, itinuturing naman nila itong pagsubok na susukat naman sa kanilang katatagan at katapatan.

Hinamon ni Ramos ang kaniyang mga kapwa nagsipagtapos na manatiling tapat sa kanilang sinumpaang tungkulin para sa bayan at iwasan hangga’t maaari ang mga tuksong dumarating sa kanilang tinatahak na daan

Matapos ang seremoniya at parada, sinaksihan ng mga dumalo sa nasabing pagtatapos ang 1 Line Tradtional Farewell Handshake ng mga bagong Police Inspector sa PNPA Cadet Corps. mula sa Administration Building hanggang sa stage kung nasaan ang Cadet Corps.

Kabilang sa top ten honors ay sina:

Merriefin Longcob Carisusa ng Meddelin,Cebu.
Mary Grace Mag-usara Pabilario- San Enrique, Negros Occidental
Ferdinand Mark Haguiling Lagchana ng Mayoyao,Ifugao
Chira Ley Capule ng M’Lang, North Cotabato
Mary Ann Delos Santos ng Alcala, Cagayan Valley
Anna May Mangabo ng San Jose Occidental Mindoro
Mary Ann Balbuena Delos Santos mula Alcala, Cagayan
Salavador Formanes Pidlaoan mula Calasiao, Pangasinan.
Jake Sawey ng Ifugao at Darwin Sernio ng Paco, Manila.