Sugatan ang 13 katao matapos ang pagsabog sa Lyon City sa France.

Base sa imbestigasyon ng mga otoridad na isang uri ng parcel bomb ang sumabog sa Victor-Hugo St.

Hinahanap na ng mga otoridad ang isang lalaki na nakabisikleta na nang-iwan sa package sa labas ng bakery.

Agad na dinala sa pagamutan ang mga nasugatang biktima.

Inatas naman ni French Interior Minister Christophe Castaner ang pagpapaigting ng seguridad sa lugar matapos ang insidente.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here