BANGKOK – Halos 20 katao ang iniwang patay matapos bumaligtad ang isang pick-up truck sa Thailand.

Ayon sa Thai police, mga estudyante ang karamihan sa sakay ng naturang truck na tinatangka sanang lumipat ng linya sa kalsada.

Makikita umano sa mga footage ang pagtilapon ng ilang mga pasahero partikular yaong mga nakapuwesto sa likod ng truck.

“Twelve people died instantly and one later died at the hospital,” ani police officer Samran Chaytao.

Siyam sa mga biktima ay college students na kakatapos lamang sa kanilang mechanical training para sa isang local company.

Nabatid na 18 ang kabuuang sakay ng truck at dalawa sa mga survivor ang nagtamo ng malubhang injury. (CNA)