Ibinunyag ni Israeli government spokesperson Eylon Levy na nasa 13 empleyado ng United Nations Relief and Works Agency for Palestine Refugees (UNRWA) ang aktibong sangkot sa Ocober 7 massacre ng Hamas sa Israel.
Ang naturang United Nations Relief and Works Agency for Palestine Refugees ay isang UN agency na sumusuporta sa relief at human development ng mga Palestinian refugee.
Isiniwalat din ng opisyal na ilang mga kaso ng Israeli intelligence ang nagbunsod sa mga bansa na itigil ang pagpopondo para sa naturang UN Palestinian aid agency. Kabilang sa mga alegasyon ay ilang staff nito ang nakibahagi umano sa pagdukot at pagpatay sa inilunsad na pagsalakay noong Oktubre 7 sa katimugang bahagi ng Israel na nagresulta sa giyera sa Gaza.
Subalit ayon kay UN spokesman Stephanie Dujarric, hindi pa pormal na natatanggap ng UN ang kopiya ng mga kaso.
Base sa 6 na pahinang lawsuit, nasa 190 empelyado ng United Nations Relief and Works Agency for Palestine Refugees kabilang ang mga guro na nagakto bilang Hamas o Islamic Jihad militants.
Ayon pa kay Israeli spokesperson Levy, nasa 10% ng staff ng ahensiya ang miyembro ng Palestinian militant groups.