Reading Time: 1 minute

ILOILO CITY – Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) hinggil sa nangyaring gang rape kung saan halinhinan umanong ginahasa ng limang binatilyo ang 13-anyos na dalagita sa Barotac Nuevo, Iloilo.

Ang biktima ay kinilalang si alyas Ivy, high school student.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Patrick, 19-anyos na isa sa mga suspek, sinabi nito na chat mate ng kanyang kaibigan ang biktima.

Ayon kay Patrick, iisang ekswelahan lang ang pinapasukan ng biktima at mga suspek.

Matapos ang kanilang klase, si Ivy mismo ang nagdesisyon na pumunta sa bahay ni Patrick kasama ang kanyang limang kaibigan kabilang na ang textmate ng biktima.

Sinabi ni Patrick na ginusto ng biktima na makipagtalik sa kanya at sa apat pa nitong kaibigan na pawang menor de edad.

Ani Patrick, kinunan pa ng video ng isa nitong kaibigan ang pagtatalik nila ni Ivy.

Matapos ang kanilang “round,” isa-isa namang nakipagtalik sa biktima ang apat pa nitong kaibigan.

Samantala ayon naman kay Police Capt. Kenn Albert Lepsia, hepe ng Barotac Nuevo Municipal Police Station, inamin mismo ng limang suspek ang panggagahasa sa biktima.

Sa ngayon ayon kay Lepsia, nakakulong na si Patrick habang isinailalim na sa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development ang apat na menor de edad na suspek.