263px Roman Catholic Archdiocese of New York.svg
IMAGE | Seal of Archdiocese of New York/Wikipedia

NEW YORK, USA – Agad humingi ng pagpapatawad ang cardinal ng Archdiocese of New York sa Amerika matapos makumpirma ang ulat na mataas ang kanilang kaso ng pang-aabuso mula sa kanilang hanay.

Sa kanyan liham, sinabi ni Cardinal Timothy Dolan na malaking kahihiyan na umabot na rin sa kanyang nasasakupan ang pang-aabuso ng mga pari sa menor de edad.

-- Advertisement --

Ipinagdasal din nito ang mga kasamahan sa simbahan na nasasangkot sa kontrobersya.

“I write to ask forgiveness again for the failings of those clergy and bishops who should have provided for the safety of our young people but instead betrayed the trust placed in them by God and by the faithful,” ani Dolan.

Lumabas sa ulat ng watchdog site na Bishop Accountability higit 120 diocese sa Estados Unidos ang may mga kaso ng child abuse at pornography.

Ayon sa presidente ng grupo na si Terry McKiernan, malaking bagay na nailabas ang listahan para sa kaalaman ng mga Katoliko.

“It’s good (the New York Archdiocese) finally put out a list. There are only two other archdioceses in the country that have not (Miami and St. Louis). So they were long overdue,” ani McKiernan.

Pero para sa ilang advocates laban sa sexual abuse, hindi pa pwedeng pagkatiwalaan ang nasabing listahan dahil kulang ito at wala pang mga matibay na ebidensya.

Ayon sa Archdiocese of New York maglalabas muli sila ng listahan ukol dito.

“Please be assured there is not a single priest or deacon of the Archdiocese of New York against whom there has been a credible and substantiated claim of abuse against a minor currently in ministry,” dagdag ni Dolan.

Nasa 13 estado na sa Amerika ang naglunsad ng imbestigasyon laban sa mga kawani ng Katolikong simbahan na nasasangkot sa pang-aabuso.

Nauna ng hinimok ni Pope Francis ang Catholic leaders na bigyang pansin ang sigaw ng mga inosente para sa hustisya.

Para sa Santo Papa, hindi lamang pag-kondena ang kailangan ng mga biktima kundi konkretong solusyon laban sa mga paring nang-aabuso.