-- Advertisements --

LA UNION – Nasa mabuti nang kalagayan at hindi nakitaan ng mga sintomas ng COVID-19 ang 12 turista na sinundo ng Naval Forces Northern Luzon (NFNL) sa Basco, Batanes noong Abril 1, 2020.

Ito ang kinumpirma ni Lt. Commander Rodney Cudal, Philippine Navy Civil Military Operations Officer ng NFNL, sa panayam ng Bombo Radyo La Union.

Gayunman, pinaalalahanan ng mga otoridad ang mga nasabing indibiduwal na muling sumailalim sa 14-day home quarantine para masiguro ang kanilang kaligtasan pati na rin ng kani-kanilang mga pamilya.

Kahapon ng umaga  dumating sa San Fernando, La Union City ang 12 turista na na-stranded sa Basco, Batanes, matapos sunduin ng barko ng Philippine Navy.

Karamihan sa mga nasabing turista ay mula sa lungsod ng Baguio, Pangasinan at ilan naman sa kanila ay galing pa ng Maynila.

Nakauwi na ang mga ito sa kanilang mga lugar, sa tulong na rin ng NFNL, Provincial Gov’t of La Union (PGLU), at ng DoT.

Dahil dito, 12 na ngayon ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo ng Covid 19 sa La Union.