VIGAN CITY – Kumpirmadong isinailalim na sa forensic examination ang ika-150 biktima ng kontrobersyal na anti-dengue vaccine.

Ito ang naging pagtitiyak ni Public Attorney’s Office chief Atty. Persida Rueda Acosta sa mensaheng ipinadala nito sa Bombo Radyo Vigan base na rin aniya sa report sa kaniya ni Dr. Erwin Erfe na siyang hepe ng kanilang Forensic Laboratory.

Ayon kas Acosta, isang 12-anyos na babae ang pinakabagong biktima ng dengvaxia na pinaniniwalaang tatlong beses na naturukan nito na siyang rason ng kaniyang kamatayan.

Una nang sinabi ng PAO chief na marami pa silang susuriing biktima ng dengvaxia kaya posibleng madagdagan pa ang huling nabanggit na bilang.

Patuloy din daw kasi silang nakakatanggap ng tawag mula sa pamilya ng mga batang naturukan ng nasabing bakuna.