Muling ipinagpatuloy ng Makati court ang ikatlong preliminary investigation sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.

Sa isinagawang pagdinig, ni-require ng korte ang lahat ng mga respondent na dumalo sa pagdinig dahil kailangan nilang i-subscribe ang kanilang counter affidavits.

Lahat ng mga respodents ay nakapagsumite naman ng kanilang kontra salaysay at memorandum.

Sa susunod na pagdinig na itinakda sa Pebrero 11, magsusumite rin ng reply ang mga respondents.

Present sa pagdninig si John Paul Halili at counsel nitong si Atty. Emmanuel Ramo, Eduard Pangilinan III at legal counsel, maging sina Clark Rapinan, Gregorio De Guzman at Valentine Rosales.

-- Advertisement --

Present din sa Makati City Prosecutors Office ang respondent na si Rey Englis at legal counsel na si Atty. Raymund Martelino.