Reading Time: 1 minute

TUGUEGARAO CITY- Nasa kustodiya ngayon ng PNP Stations sa iba’ ibang bayan at lungsod ng Tuguegarao sa Cagayan ang 11 preso na nakalaya sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance matapos silang kusang sumuko

Kinilala ng PNP ang mga ito na sina Consolacion Solatre, 71, ng Sta Teresita, Gil Ramirez, 65, ng Tuguegarao City, Joseph Guzman, 48, ng Tuao, at Albet Castro, 35, ng Amulung, pawang hinatulan sa kasong rape.

Sumuko din sina Eriberto Batuelo,60 Roberto Balacanao, kapwa taga-Amulung 52 at Tacio Acorda,57, ng Solana na pawang may kasong rape and robbery.

Hawak na rin ng PNP sina Mario Umuquit, 66; at Armando Gallardo, 53, kapwa taga- Buguey at Franklin Agriam, 39 ng Sta. Ana, pawang hinatulan sa kasong murder at Vickmar Lucena, 39 ng Tuao dahil sa kasong attempted rape at homicide.