CAGAYAN DE ORO-Naghihinagpis ngayon ang pamilya ng isang 11 months old na bata dahil sa bigla nitong pagkamatay sa Brgy Macabalan sa lungsod ng Cagayan De Oro.

Namatay ang bata matapos umano itong nabulunan habang umi-inom ng gatas.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Jomarie Maque na nakaligtaan ang pagbantay sa kanyang kapatid habang itoy dumedede kung kayat nabulunan umano ito at sumuka at hindi nakahinga.

Mabilis namang isunogod sa Northern Mindanao Medical Center ang bata ngunit hindi na na-isalba ng mga doktor ang kanyang buhay.