Nasa 11 mga kristiyano ang pinatay ng mga Islamic State militants sa Nigeria.

Sa inilabas na video ng rebeldeng grupo, makikta ang 11 kalalakihan na nakapiring ang mata at ito ay pinagsasaksak mula sa Islamic State Western African Province (ISWAP).

Makikita rin sa video ang pagsasalita ng isang naka-maskarang lalaki at sinabing ito ang mensahe niya sa mga kristiyano sa buong mundo.

Isa aniya itong pagganti sa pagkapatay kay IS chief Abu Bakr al-Baghdadi.

Magugunitang nagpakamatay ang si Baghdadi para maiwasang maaresto ng mga US special forces ng lusubin ang kaniyang pinagtataguan.