Reading Time: 1 minute

BUTUAN CITY – Kinumpirma ni Commander Lawrence Roque ng Philippine Coast Guard-Surigao del Norte na matagumpay na na-rescue ng kanilang mga kasamahan sa Dinagat Islands ang labing-isang mga pasaherong sakay ng nabutas na service boat.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag Commander Roque na nasa karagatan na ang mga biktima nang mabutas ang kanilang sinakyan na kaagad namang naremedyuhan habang daling silang nailigtas ng PCG-Dinagat Islands at dinala sa pantalan sa bayan ng San Jose.

Dagdag pa ni Roque na alas-singko pa nitong nakalipas na hapon nang magpalabas ng gale warning advisory ang PAGASA kung kaya’t hindi na nila pinahintulutan pa ang mga maliliit na sasakyang pandagat na makapaglayag upang maiwasan ang sakuna sa karagatan.