Tiniyak ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Usec. Rene Glen Paje na ibinibigay ng ahensya ang angkop na tulong para sa 11 frontliners nila na nahawaan ng COVID-19, sa panahon ng pagganap sa tungkulin.

Ayon kay Paje, nilalapatan na ng lunas ang mga ito sa mga pasilidad ng gobyerno, pati na ang mga mayroong mild condition lamang.

Hindi na muna tinukoy ng opisyal kung saang lugar nagmula ang mga DSWD personnel na nadapuan ng COVID-19, pero may mga hakbang na umano ang kanilang tanggapan para sa mga ito at sa mga taong posibleng nagkaroon ng exposure sa kanila.

Bilang parte ng pag-iingat, gagamit na ng personal protective equipments (PPE) ang iba pang frontliners ng ahensya na humaharap sa mga taong kanilang binibigyan ng tulong.

Ang DSWD kasi ang responsable sa pamamahagi ng social amelioration program (SAP) fund at pagkakaloob ng psychosocial assistance sa mga stranded na mamamayan.