-- Advertisements --

Nagsasagawa na raw ngayon ang 10th Infantry Division (10ID) ng imbestigasyon sa umano’y pagkakasangkot ng isa nilang personnel sa pagpatay sa negosyanteng si Yvonette Plaza sa Davao City/

Ayon kay Philippine Army chief Lieutenant General Romeo Brawner Jr., inabisuhan na rin nila si Brigadier General Jesus Durante III na makilahok sa imbestigasyon.

Una rito, nakaladkad ang pangalan ni Durante sa pagpatay kay Plaza dahil sa Facebook item na ipinost ng biktima noong April 2022.

Pero sinabi ni Durante na ni-retract o binago nito ang kanyang statement kaugnay ng pananakit daw ng heneral sa kanya.

Labis namang ikinalungkot ni Durante ang naturang insidente at nakiramay sa pamilya at kaibigan ng negosyante.

Ayon kay 10ID spokesperson Captain Mark Anthony Tito, sa ngayon ay wala pang formal complaint na inihain laban sa kanilang senior officers na konektado sa pagpatay kay Plaza.

Hindi naman daw sila puwedeng gumawa ng hakbang dahil lamang sa post sa social media.

Hinihintay na rin ng 10ID ang resulta ng imbestigasyonng Philippine National Police (PNP).

Noong Disyembre 28 noong nakaraang taon nang natagpuan si Plaza na wala ng buhay sa labas ng kanilang bahay.

Kita naman sa screenshot ng CCTV footage ang mga suspek na nakatutok ng baril kay Plaza habang ang isa ay naghihintay ng getaway motorcycle.

Kailangan pa namang ma-establish ang pagkakilanlan ng mga suspek na nakasuot ng full-face helmets noong naganap ang insidente.

Tinitignan naman ng Philippine National Police ang posibleng motibo sa krimen kabilag na ang personal grudge, robbery at business disputes.