IH nCoV map
Coronavirus 2019-nCoV Global Cases by Johns Hopkins CSSE

Nagtala ng panibagong record sa pagkakaroon ng 108 patay sa loob lamang ng isang araw dahil sa Wuhan coronavirus.

Ang lahat ng nasawi ay mula sa Mainland China.

-- Advertisement --

Dahil dito, umakyat na sa 1,018 ang kabuuang bilang ng mga binawian ng buhay dahil sa nasabing deadly virus.

Umaabot naman sa 43,100 ang mga infected ng sakit, habang 6,495 naman o 19 percent ang nananatiling kritikal.

Gayunman, nasa 4,043 ang naka-recover na sa novel coronavirus.