CENTRAL MINDANAO – Abot sa higit 100 mga bikers na kasapi ng PPALMA Federation of Cyclists ang nakiisa sa isinagawang fun ride sa probinsya ng Cotabato.

Sabay-sabay na nilibot ng grupo ang ruta mula sa Brgy Poblacion 8, Kimagango, Upper Bulanan, at Arizona sa Midsayap papuntang Cawilihan, Lower Katalicanan, Upper Katalicanan, at UK Peak sa Aleosan, Cotabato.

Ayon sa PPALMA Federation of Cyclists, layon ng isinagawang fun ride ang pagsusulong sa mga benepisyo ng pagbibisekleta hindi lamang sa tao kundi pati na rin sa kalikasan at mapalakas ang immune system kontra COVID-19.

Dagdag din dito ang pagsusulong sa adbokasiya ng naturang grupo sa ‘safe ride policy’ tulad ng pagsusuot ng helmet at appropriate biking gears.

Inihayag din ng PPALMA Federation of Cyclist na ang pagpapapawis ay isang gawaing wais at sa pagsasagawa ng naturang aktibidad ay napatunayan ng mga nakilahok rito na talagang “Biking is More Fun in PPALMA.”