Nasa 100 kabahayan ang natupok matapos ang naganap na malaking sunog sa Barangay 210, Tondo, Maynila.

Nagtala rin ng tatlong katao ang nasugatan na agad namang itinakbo sa mga pagamutan.

-- Advertisement --

Unang itinaas ang nasabing sunog sa task force Delta na nagsimula ng pasado 1:00 a.m nitong Huwebes at naapula ito matapos ang mahigit tatlong oras.

Inaalam pang mabuti ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing sunog.