-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Umabot sa 10 katao ang nasugatan kabilang na ang dalawang nasa kritikal na sitwasyon sa nangyaring pagbaliktad ng dalawang multicab sa bahagi ng Sitio Supot, South Upi, Maguindanao.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Jp Nguya, magkakamag-anak ang sakay ng dalawang multicab na dadalo sana sa kasal sa Barangay Cuyapo sa nabanggit na bayan.

Dahil sa bulubunduking bahagi ang daan at madulas ay nawalan umano ng preno ang mga sasakyan kaya’t di na kontrol ng mga driver ang manibela kaya’t bumaliktad na naging sanhi ng pagkakasugat ng mga pasahero.

Karamihan umano sa mga sugatan ay matatanda at bata na pawang mga residente ng Barangay Bungo sa nabnggit na bayan.

Napag-alaman na halos pahirapan din ang pagdala ng mga pasyente sa ospital dahil motorsiklo lamang ang nakakadaan sa lugar.

-- Advertisement --