Nanatiling pinakamayaman sa Pilipinas ang pamilya ng business magnate na si Henry Sy, base sa latest release ng Forbes.

Mayroon silang $13.9 billion assets at properties.

Nasa ikalawang pwesto naman si dating Senate President Manny Villar na may $5 billion.

Pangatlo si Enrique Razon Jr. na may $4.3 billion.

Pang-apat ang pamilya ni Lance Gokongwei na may $4.1 billion.

Panglima si Jaime Zobel de Ayala na may $3.6 billion.

Pang-anim si Andrew Tan na mayroong $2.3 billion.

Pang pito si Lucio Tan na may $2.2 billion.

Pang walo si Ramon Ang na may $2 billion.

Pang siyam si Tony Tan Caktiong na may $1.9 billion.

At pang sampu ang mag-asawang Lucio at Susan Co na may $1.7 billion.

Nalikom ang data noong Agosto 2020, ngunit ngayon lamang isinapubliko.