-- Advertisements --

DAVAO CITY – Nakarekober na ang isang 10 anyos na bata matapos na magpositibo ito sa Covid-19.

Ayon sa Mati Incident Management Team sa Mati Davao Oriental, nasa tatlong araw pa lamang mula ng maisilang ang bata ng makumpirma na nahawa ito sa virus.

Sinasabing asymptomatic ang bata at ang kanyang ina na nasa Alternate Care Site sa nasabing lalawigan.

Nabatid na nahawa ang ina ng bata sa kanyang asawa na isang symptomatic ngunit nakarekober na ito sa kasalukuyan.

Ang nasabing sanggol ang pinakabata na Covid-19 survivor sa siyudad ng Mati at posibleng sa buong bansa.

-- Advertisement --