-- Advertisements --

Wala na sa intensive care unit, bagkus ay nagpapagaling na lamang sa regular room ng ospital ang dating senador at aktor na si Ramon Revilla Sr.

Revilla out of ICU

Ito’y matapos alisin na nitong June 11 ang nakakabit na ventilator sa “Pepeng Agimat” star at nakakahinga na ito “on his own.”

Una nang inihayag ni Sen. “Bong” Revilla Jr., na madaldal na muli ang kanyang 93-anyos na ama kung saan nakikipagbiruan na ito kahit mabilis mapagod.

Kung maaalala, May 31 nang isugod sa ospital si Revilla Sr., matapos mahirapan sa paghinga pero hindi pa isinasapubliko kung may iba pang dahilan.

Gayunman, ang pagbuti ng kondisyon nito ay tila “just in time” bago ang Father’s Day sa darating na Linggo, June 21.

-- Advertisement --