-- Advertisements --

Isang piloto ang patay habang isa ang nawawala matapos ang banggaan ng dalawnag Taiwanese fighter jet.

Ayon sa air force ng Taiwan na ang dalawang air force F-5E fighters na mayroong tig-isang piloto ay nagbanggaan sa ere sa kasagsagan ng training mission.

Dinala pa sa pagamutan ang piloto subalit kinalaunan ay ito ay namatay.

Dahil sa pangyayari ay na-grounded na ang F-5 fleet at sinuspendi nila ang lahat ng training missions.

Ito na ang pangatlong insidente sa loob ng isang taon.

-- Advertisement --