CAGAYAN DE ORO CITY – Tinutugis na ng pulisya at militar ang hindi pa kilala na mga suspek na responsable nang pamamaril na ikinamatay ng isang sibilyan at tatlo sugatan sa Barangay West Poblacion,Pantao Ragat,Lanao del Norte.

Kinilala ang nasawi na si Farouk Macarimbang,nasa legal na edad habang ang mga sugatan ay sina Asliah Limgas, Ashmine Limgas at Nor Aliah Masbot Barat na lahat residente sa lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni Lanao del Norte Provincial Police Office spokesperson Maj Salman Saad na unang inatake ng mga suspek ang bahay ni Farouk kaya agad itong napuruhan.

Inihayag ni Saad na lumikas ang tatlong kasamahan ni Farouk sa pamamahay ni Maimona Masbod Rinibatan subalit sinundan umano sila ng ibang grupo ng armadong kalalakihan at pinaulanan ng mga bala.

Dagdag ng opisyal bagamat hindi naman grabe ang mga tama ng bala ng tatlong mga biktima at naisugod pa ang mga ito sa Sanitarium Hospital ng Iligan City.

-- Advertisement --

Sinabi ni Saad na ‘rido’ o awayan ng mga angkan ang posibleng motibo ng kremin.

Sa ngayon,tinutumbok ng pulisya at militar ang mga lokasyon na maaring pinagtataguan ng mga tumakas na mga suspek.