Patay ang isang drug suspect sa ikinasang buy-bust operations ng mga operatiba ng Special Drug Enforcement Unit (SDEU) kaninang alas-5:00 ng umaga sa may bahagi ng C5 extention, San Dionisio, Paranaque City.

Sa ulat na inilabas ni SPD Director, CSupt. Tomas Apolinario, nag resulta sa enkwentro ang isinagawang operasyon ng mga pulis dahil nanlaban ang suspek.

Nakilala ang drug suspect na si Alias Boy Tattoo, isang kilalang drug pusher sa lugar, nakatakas naman ang kaniyang mga kasamahan na subject ngayon sa manhunt operations ng mga pulis.

Ayon kay Apolinario, magkasabwat si alias Boy Tattoo at ang kaniyang mga kasamahan na bentahan ng dalawang piraso ng sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P1,000.00 si PO1 Jerome Fernandez na nagpanggap na poseur buyer.

Pero nakaramdam ang mga suspek na pulis ang kanilang nabentahan kaya nagpaputok si alias Boy Tattoo gamit ang kaniyang cal. 38 revolver.

Hindi naman natamaan si PO1 Fernandez dahil nakapag cover ito. Si PO1 Dominic Enguio ang bumaril sa suspek.

Habang nagpapatuloy ang follow -up operations laban sa mga nakatakas pang suspek.