BUTUAN CITY – Inihanda na ang kasong isasampa laban sa dalawang mga suspek na itinurong bumaril sa mag-asawa sa bisperas ng Pasko sa Purok-1, Barangay Diatagon, sa bayan ng Lianga, Surigao del Sur.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Major Rennel Serrano, information officer ng Police Regional Office (PRO13), pasado alas-6:05 ng gabi nitong nakalipas na Disyembre 24 nang sundan umano ng dalawang nakamotorsiklo ang mag-asawang sina Julius De Guzman at Violeta na sakay din ng kanilang motor at saka apat na beses na pinagbabaril.

Kaagad na tumakas ang mga suspek habang isinugod naman sa ospital aang mag-asawa ngunit idineklarang dead-on-arrival si Violeta.

Swerteng nabuhay naman ang asawa na syang nakakakilala sa mga suspek na umano’y sina Jhong Marcelo, ang drayber ng motorsiklo at ang angkas nitong si Tata Ceronda na syang gunman.

Sa inisyal na imbestigasyon, personal away umano ang motibo ng krimen.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here