castilla sorsogon
-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Patay ang isang motorista habang apat ang sugatan sa karambola ng apat na motorsiklo sa Barangay Burabod, Castilla, Sorsogon.

castilla sorsogon

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Castilla MDRRMO head Edgar Ardales, na rumesponde sa insidente, lumalabas sa imbestigasyon na unang nagkabanggaan ang dalawang motorsiklo sa palikong parte ng kalye sa naturang barangay.

Nagkataon naman na dalawang motorsiklo pa ang paparating na ‘di na nagawang ilagan ang banggaan at nadamay na rin sa karambola.

Sugatan ang tatlong drayber at isang backrider habang patay ang isa pa dahil sa tinamong malalang sugat sa ulo.

Sa ngayon nagpapagaling pa sa ospital ang apat na kataong sangkot sa insidente habang inaalam pa ang buong detalye ng aksidente.

-- Advertisement --