Australian Police Line Tape

SYDNEY – Patay ang isang security guard at marami ang sugatan sa nangyaring pamamaril sa labas ng isang night club sa Melbourne, Australia.

Sa ospital na binawian ng buhay ang naturang security guard, habang nagpapagaling naman ang tatlong iba pang biktima na nagtamo ng “horrific injuries” ayon sa pulisya.

Sa ngayon, patuloy pang inaalam ng mga otoridad kung terror-related ba ang naturang insidente.

Gayunman, hinimok ng pulisya ang mga witnesses na makipag-uganayan sa kanila sa paglilikom ng impormasyon ukol sa suspek na kaagad namang tumakas sakay ng kanyang sasakyang pagkatapos na magpaputok sa mga biktima. (Reuters)