LA UNION – Namamatay habang nilalapatan ng lunas ang isang tricycle driver nang bumangga ang sasakyan nito sa kasalubong na motorsiklo sa kahabaan ng national highway sa Barangay Payocpoc Sur sa bayan ng Bauang, La Union.

Nakilala ang nasawi na si Gilbert Fabro, 54, residente ng Barangay Pilar sa naturang bayan.

Nabatid ng Bombo Radyo mula sa Bauang Police, nag-overtake umano sa sinusundan na ibang pang traysikel si Fabro kasunod ang pakikipagbanggaan nito sa motorsiklo na minamaneho ni Philip Soriano, 35, residente ng Barangay Calumbaya, Bauang.

Dahil dito, parehong nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang dalawang nagmaneho kabilang kani-kanila at dalawa nilang pasahero.

Nabigong mailigtas sa kamatayan ang nasabing tricycle driver dahil na malubhang sugat na natamo nito sa aksidente.

Samantala, nanatili naman sa ospital ang motorcycle rider at nagpapagaling, habang nakalabas na ang dalawa pang biktima.

Nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.