Reading Time: 1 minute

Isa ang patay habang dalawa ang arestado matapos salakayin ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang Building 24 sa Permaneny Housing sa Tondo, Maynila.

Ayon kay PNP-CIDG spokesperson, Lt. Col. Mary Grace Madayag na nagpatupad ng apat na search warrants ang PNP sa bahay ng apat na target dahil sa pagtatago ng mga iligal na armas o paglabag sa Republic Act No. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Act.

Sinabi ni Madayag, nanlaban umano ang isang suspek kaya napatay ito ng mga raiding police.

Nahulihan naman ng armas ang naarestong indibidwal habang nakatakas ang isa pang suspek at kasalukuyang tinutugis na ng pulisya.