CENTRAL MINDANAO-Isa ang nasawi at isa ang nasugatan sa pagsalakay ng mga armadong kalalakihan sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang nasawi na si Kunti Sansawi ,62 anyos habang sugatan ang ina nito na si Pidsimayo Sansawi, 80 anyos,mga residente ng Brgy Bualan Pikit North Cotabato.

Ayon kay Pikit Chief of Police,Major Mautin Pangandigan na bigla na lamang pinaulanan ng bala ang bahay ng mga biktima ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan gamit ang M16 Armalite rifles.

Agad namang tumakas ang mga suspek nang matunugan nito ang mga nagrespondeng mga Cafgu at BPAT.

Patay on the spot si Kunti Sansawi habang nasa maselang kondisyon ang kanyang ina na dinala ng mga kamag-anak sa pagamutan.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Pikit PNP sa pamamaril sa mga biktima.