DAVAO CITY – Isa ang naitalang patay isa ang sugatan matapos gumuho ang isang tulay sa Digos City kaninang umaga.
Sa imbestigasyon ng Digos Police Station, nakilala ang namatay na si Joyco Failma, 30, residente sa Upper Panuntungan, Tibungco, nitong lungsod habang sugatan naman ang isang Dexter Orapa, 37, residente ng Santo Rosario, Digos City na ligtas ngunit patuloy na inoobserbahan ng mga doktor.
Sinasabing ide-demolish na ang Ebreo Bridge sa Tres De Mayo, Digos City, Davao del Sur dahil matagal na ang nasabing tulay ngunit ng kinuha ang seed file nito, bigla na lamang umanong gumuho ang nasabing tulay.
Nagdulot naman ng matinding trapiko sa lugar ang nasabing insidente at pinaalalahanan ang mga motorista na mag-ingat para maiwasan ang disgrasya.