KORONADAL CITY – Nagpapatuloy sa ngayon ang imbestigasyon sa pagsalakay ng mga armadong kalalakihan sa probinsiya ng North Cotabato.

Patay sa naturang insidente si Kunti Sansawi, 62, habang sugatan naman ang ina nito na si Pidsimayo Sansawi, 80-anyos, kapwa residente ng Brgy. Bualan Pikit North Cotabato.

Ayon kay Pikit Chief of Police, Major Mautin Pangandigan, bigla na lamang pinaulanan ng bala ang bahay ng mga biktima ng mga hindi pa nakikilalang armadong kalalakihan gamit ang M16 armalite rifles.

Agad namang tumakas ang mga suspek nang matunugan nito ang mga rumispondeng Cafgu at BPAT.