Pumalo na sa tatlo ang mga players ng Miami Heat na kumpirmadong dinapuan ng COVID-19.

Hindi pa rin tinutukoy sa ngayon ng koponan kung sino ang ikalawa at ikatlo nilang player na kinapitan ng virus.

Pero batay sa ulat, pawang mga rotation players ang hindi pinangalanang mga manlalaro.

Kung maaalala, kamakailan lamang ay nagpositibo rin sa COVID-19 ang Heat guard na si Derrick Jones Jr.

Isinara na rin muna ng Heat ang kanilang training facility para isailalim sa disinfection at iba pang mga prodecure.

Sa ngayon halos 30 mga NBA players ang nahawa sa coronavirus.