Iniulat ni National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) Executive Director USec. Ricardo Jalad na isang indibidwal ang naiulat na nawawala matapos lumubog ang sinasakyang fishing vessel sa lalawigan ng Quezon.

Ayon kay Jalad, pumalaot pa ang mga nasabing mangingisda kahit naglabas na ng advisory na mahigpit na ipinagbawal ng Philippine Coast Guard (PCG) dahil sa Bagyong Rosita.

Bukod sa napaulat na missing, wala pang natatanggap na report ang NDRRMC na may mga naitalang casualties sa hagupit ng Bagyong Rosita matapos itong mag landfall nitong alas-8:00 ng umaga sa Echague, Isabela.

Payo naman ni Jalad sa mga biyahero na huwag muna maglakbay habang walang abiso mula sa Pagasa na ligtas nang bumiyahe.

Sa ngayon nasa 1,937 passengers, 189 rolling cargoes, 11 vessels at isang motorbanca ang stranded sa mga pantalan ng Southern Luzon, Western Visayas, Bicol at Norhern Luzon.