-- Advertisements --
ILOILO CITY – Isa patay, walo sugatan matapos natumba ang canter truck sa Brgy. Omio, Lemery, Iloilo.
Ang binawian ng buhay ay si Ryan Venus, 17 ng Banga, Aklan.
Sa panayam ng Bombo Radyon Iloilo kay Police Lt. Francis Batallones, hepe ng Lemery Municipal Police Station, sinabi nito na nagmula sa Aklan ang truck na may kargang mga gamit sa pag-landscape sakay ang mga trabahador.
Papunta sana ang mga ito sa Sara, Iloilo nang mangyari ang aksidente.
Ayon kay Batallones, nawalan ng preno ang driver na si Larry Alfaro, 50 at biglang natumba ng dumaan sa palikong bahagi ng daan.
Kaagad namang dinala sa ospital ang walong mga sugatan at nasa kustodiya naman ng pulisya ang driver ng truck.