Tumulong na ang iba’t-ibang mga grupo para maibsan ang paghihirap ng mga apektadong residente sa nagpapatuloy na enhanced community quarantine dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Kabilang na rito ang Caritas Manila na namimigay ng grocery vouchers sa mga mahihirap na pamilya sa Metro Manila.

Ayon kay Fr. Anton C. Pascual, Executive Director ng Caritas Manila, taget nilang mabigyan ng P1,000 gift certificates ang aabot sa isang milyong kabahayan.

Tinawag nila ito bilang ‘Project Damayan’ na proyekto ng Caritas Manila, katuwang ang Philippine Disaster Resilience Foundation (PDRF) at ilang business community.

Ayon kay Father Pascual ito ang panahon para magkaisa ang lahat sa pagtulong sa higit na nangangailangan.

Tinatayang nasa mahigit sa P1.5 billion ang halagang nalikom ng grupo na nakatakdang ipamigay sa mga mahihirap na residente sa pamamagitan ng P1,000 grocery vouchers.