-- Advertisements --

Mayroong 1 milyong doses ng Covaxin vaccines mula sa India ang inilaan ng gobyerno para sa mga private sector.

Sinabi ni presidential adviser for entrepreneurship at Go Negosyo founder Joey Concepcion, magsisimulang dumating ang nasabing mga bakuna sa Abril.

Magkakaroon aniya siya ng briefing sa mga interesadong kumpanya tungkol sa Bharat Biotech Covaxin ngayong araw.

Ang Bharat Biotech ay karagdagan sa AstraZeneca, Moderna at Novavax para mapaigting ang national vaccination program ng gobyerno.

Base sa kaniyang pakikipag-usap sa Ambica at IP Biotech ang distributor ng Covaxin na inaasahan an matatanggap ng mga private sector ang isang milyong doses nito mula Abril, Mayo at Hunyo.

-- Advertisement --

Mayroon kasing 81 percent na efficacy ang nasabing bakuna.