NAGA CITY- Sugatan ang driver ng isang ambulansya matapos maaksidente sa Barangay Bagacay, Tinambac, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Ricardo Padua, 56-anyos.

Sa nakalap na impormasyong ng Bombo Radyo Naga mula sa kapulisan, nabatid na habang binabaybay ng ambulansyang minamaneho ng biktima ang kalsada sa naturang lugar mula sa Naga City at patungo sana sa Tinambac Proper.

Ngunit aksidente itong nakabangga sa isang pick-up na minamaneho naman ni Melvin Boñon, 37-anyos na sakay ang apat na pasahero.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga nagtamo ng sugat sa katawan ang driver ng ambulansya habang maswerte namang walang nasugatan sa sakay ng pick-up.

Sa ngayon nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing aksidente.