Hinihintay na ng Department of Justice (DoJ) ang pagsuko ng isa pang convict sa Chiong sisters rape-slay case na si James Anthony Uy.

Ayon kay DoJ Usec. Deo Marco, posibleng ngayong araw na kasi susuko ang convict.

Ang dating inmate ay si James Anthony Uy na nakalaya pero nagpahayag na susuko kasama si Josman Aznar.

Una rito, kinumpirma ni Justice Usec. Deo Marco na sumuko na sina Ariel Balansag at Alberto Caño.

Nahatulan sila dahil sa panggagahasa at pagpatay sa magkpatid na Marijoy at Jacqueline Chiong sa Cebu noong July 16, 1997.

Sa ngayon naaa New Bilibid Prison (NBP) na sina Balansag at Caño.