-- Advertisements --

Iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong araw na umaabot na sa 1.1 million Pilipino ang apektado dahil sa trough ng low pressure area na nagdudulot ng mga pagbaha sa ilang parte ng Mindanao.

Ito ay katumbas ng 324,040 pamilya at mas mataas kumpara sa napaulat na apekatdong residente mula noong araw ng Sabado na 700,000 indibidwal.

Ayon sa ahensiya, nadagdagan pa ng isa ang napaulat na nasawi bunsod nito pumalo na sa 18 ang death toll na kasalukuyang isinasailalim sa validation.

Gayundin biniberipika na ng ahensiya ang 11 pang katao na napaulat na nasugatan at 3 indibdiwal na nawawala.

Sa kasalukuyan, mayroon pang 289 lugar ang lubog sa baha, 148 dito ay sa Davao region habang 139 sa Caraga region.

Samantala, sa pinsalang idinulot ng LPA, tinatayang nasa mahigit P54.9 million na ang nasira sa sektor ng imprastruktura.

Habang nagsasagawa pa ng assessment ang DA sa mga naapektuhang 1,304 ektarya ng sakahan.

Samantala, patuloy naman ang pamamahagi ng tulong ng pamahalaan para sa mga biktima ng baha sa Mindanao na umaabot na sa P55,224,988