ILOILO CITY – Ipinauubaya na ni House Appropriations Committee chairman Rep. Karlo Alexei Nograles sa mga kasamahan sa Kamara kung tatanggalan ng budget ang Commission on Human Rights (CHR).
Kasunod ito ng banta ni House Speaker Pantaleon Alvarez na zero budget sa CHR sa 2018 dahil sa pagkadismaya sa komisyon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo, inihayag ni Nograles na sinusuri ng kaniyang komite ngayon kung ginagampanan ng CHR ang trabaho nito at kung ginagamit sa tama ang pondo.
Inihayag ng mambabatas na kahit tanggalan ng budget ang CHR, maari pa rin itong magtrabaho.
Paliwanag ni Rep. Nograles, kung hindi man bibigyan ng pondo ng Kongreso, maari pa ring lumapit ang CHR sa Department of Budget and Management o sa Office of the President. Top Quick Reply
BNN Noontime Edition | 04.27.2018
BNN Morning Edition | 04.27.2018
BNN Evening Edition | 04.26.2018
BNN Noontime Edition | 04.26.2018
BNN Morning Edition | 04.26.2018
Copyright 2017 Bombo Radyo Philippines | All Rights Reserved